Saturday, November 5, 2011

STRANGERS - Ulan, Salamat at dinalaw mo kami

Quezon Ave -- Habang ako ay nag aabang ng FX na masasakyan papuntang SM North, nagsimula ang patak patak na ulan...

Ang mga taong-kalye natutulog sa isang abandonadong gusali ay masayang ginising ng ulan
Tinawag nya ang iba pa nyang kaibigan sa kabilang stall, 
....sa nakapark na kariton
....sa mga nanglilimos sa daan
....mga nakaabang
....at mga anak na nagsisimula ng magtanggal ng damit upang maligo sa ulan.

Masaya silang pumagitna sa kalye, pasayaw sayaw at napapasigaw sa ulan.
Pakanta kanta habang nagsasabon ng sarili, nagbabanlaw sa daan.
Di alintana ang mga jeepney, malalaking bus at iba pang sasakyang matulin.
Oo nga naman, anu ang dapat ikatakot...anak sila at ina nila ang kalye.
At tiwala silang walang sinumang naghahangad na sila'y sagasaan.

Andito ako, sa isang tabi at nakikisilong..
kasama ng iba pang nag aabang, naaaliw na lamang sa aming napagmamasdan.
Maya maya pa, si ate..naglabas na ng pansahod 
at nagsimulang magkusot ng mga dapat labhan.
Sinasamantala ang dami ng tubig dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Narinig ko ang aking katabi, 
"Anu ba yan, lakas na naman ang ulan..baha na naman
,basang basa na tayo dito. wala pa rin tayong masakyan."

Napangiti ako kasi halos kalahating oras na nga ang paghihintay ko,
Di ko magawang magreklamo, dahil natuon naman ang pansin ko,
sa mga taong masaya sa tanaw ko.

Bumulong ulit ang aking katabi, "hay,kawawa naman sila anu?"
Tahimik ulit akong sumagot ng ngiti,
Mas naaawa ako sa aming mga sarili kasi di magawang maglaro sa kalye,
at magpakabasa sa ulan.gaya ng ginagawa nila.
dahil siguro...tanggap nila ang kanilang kapalaran.
At sa ilang linggo ko ng pag aabang dito, di ko ni minsan narinig at kanilang ipinabatid na
"Ale, kaawaan mo kami."
At mapalad silang di kinakaawaan ang kalagayan nila.
Bagkos pinapahalagahan ang bawat biyaya
Kahit konting limos....
Kahit ang malakas na buhos ng ulan, bagyo na nga sa iilan.


Mapapalad ang mga taong, sa unos nagpapakabasa.  
Di nawawalan ng pag-asa.
Sa Diyos nagtitiwala.
Naghihintay ng pagpapala.
Unos man ay may nakaakibat na biyaya.

=)







No comments:

Post a Comment